Naransan ko na iyan. Iyon bang nagkasabaysabay lahat ng deadline ng projects, sunod-sunod ang quizzes sa mga subject na hindi mo ni-review, at hindi mo na malaman kung ano ang uunahin mo. CRAMMING. Ayon sa bespren kong si wikipedia, cramming is the practice of working intensively to absorb large volumes of informational material in short amounts of time. It is often done by students in preparation for upcoming exams. Sa madaling salita, ang cramming ay isang uri ng multi-tasking, isa sa mga pinakalaganap na gawain ng kabataan.
Kung isisiwalat kong sa bawat sampung mag-aaral, siyam ang nagca-cram at ang isa ay nag-dadalawang isip, malalaman ninyo na gawa-gawa ko lang ito. Pero kung tatanungin natin sa pare kong H.E. Gorst, sasabihin niyang “as long as education is synonymous with cramming on an organized plan, it will continue to produce mediocrity”. Ibig sabihin, dahil sa kaka-cram ng mga estudyante ngayon, halos katumbas na ng "pagaaral" ang salitang "cramming".
Batay sa aking pananaw, ang cramming ay resulta ng madalas na pagpapabukas ng ating henerasyon. Ako, inaamin kong madalas akong magcram. Kami-kami ng mga kaklase ko noon ay bumuo ng sanggunian, ang “Camp Crammers”, dahil sa araw araw nalang na ginawa ng Diyos, wala na kaming ginawa kundi mag-cram. Noong mga panahong iyon, naga-adjust pa lamang ako sa pagiging high school. Hindi pa ako marunong mag-prioritize ng mga gagawin ko, kaya ayon, nagfe-facebook pamatay ng oras, inabutan tuloy ng deadline.
Sana ay matutunan natin ang pagpapahalaga sa panahon, dahil ika-nga’y “time is gold”. Bakit mo naman sasayangin ang ginto? Paubos na ng stock! Sana rin ay sikapin nating pagtuunan ng sapat na oras ang mga bagay na kinakailangan ang pansin mo, para sa huli, pa-petiks petiks ka nalang.
No comments:
Post a Comment